P74 M printing anomaly ng NPO sisiyasatin ng NBI
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Sisiyasatin na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu ng umano’y anomalya sa National Printing Office (NPO) hinggil sa dobleng pagpapa-imprenta ng P74 milyon halaga ng document forms ng Social Security System (SSS).

Ayon kay NBI Deputy Director for Intelligence Vicente de Guzman, sinimulan na nila ang imbestigasyon hinggil sa pag-aaward ng P74 milyon kontrata sa Best Forms Security Printer, Tri-Print Work at Metro Color Company kahit ito ay una nang ibinigay sa Western Visayas Printing Corporation.

Ang pagsisiyasat ng NBI ay batay sa referral ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ni Undersecretary for Legal Affairs, Atty. Enrique Tandan III na nagsagawa na ng paunang imbestigasyon sa isyu.

Sinabi ni de Guzman na alinsunod sa kanilang proseso, ipatatawag nila ang lahat ng nasasangkot sa sinasabing anomalya bago bumuo ng mga rekomendasyon.

Magugunitang ang naturang anomalya ang dahilan ng pagre-resign ng buong miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) sa pangunguna ni NPO Deputy Director Sherwin Castañeda.

Gayunman, sa gitna ng sinasabing mass resignation, isa sa mga miyembro ng BAC ang sumulat kay NPO Director Francisco Vales at inihayag na pinilit lamang siyang mag-resign.

Sa naunang imbestigasyon ng Malakanyang, inihayag na mayroong sapat na batayan upang maghain ng kasong kriminal at administratibo sa mga opisyal ng NPO na sangkot sa sinasabing anomalya.

Ang pagsisiyasat ni Tandan ay alinsunod sa atas ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

SSS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with