^

Bansa

Go signal sa Benham Rise hinihintay ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinihintay na lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang green light ng pamahalaan para maum­pisahan ang pagpapatrulya kaugnay ng gagawing mapping survey sa Benham Rise.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nakahanda anumang oras ang militar na tumugon sa ipag-uutos ni Pangulong Duterte na magsagawa ng survey sa Benham Rise na sakop ng 200  Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Kasunod ito ng ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na namonitor ng mga nagpapatrulyang aircrafts ng PAF at mga barko ng Philippine Navy ang survey ship ng China na umaaligid sa lugar.

Ipinahiwatig pa ni Lorenzana na posibleng nagsasagawa ng survey ang mga barko ng China upang maghanap ng lugar na maaring himpilan ng kanilang mga submarine.

Inihayag ni Padilla na may sapat na kakayahan ang AFP para magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise.

Ayon sa opisyal, ilan sa mga barko ng Philippine Navy ay may kakayahan na gumawa ng mapping survey habang ang iba pang mga aircrafs ng PAF ay may kakayahan magsagawa ng aerial survey.

vuukle comment

RESTITUTO PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with