Plunder dapat isama sa death penalty – Solons

MANILA, Philippines - Hindi umano suportado ng liderato ng Kamara na tanggalin  ang kasong plunder sa mga krimen na maaa­ring patawan ng parusang kamatayan.

Sinabi ni Majority leader Rodolfo Fariñas, na siya at si Speaker Pantaleon Alvarez  ay nanindigan na panatilihin ang kasong plunder sa 21 krimen na maaring patawan ng death penalty sa ilalim ng House Bill 4727.

Subalit marami umano sa mga miyembro ng supermajority na dumalo sa kanilang caucus noong Miyerkules ang bumoto na alisin ang plunder sa naturang listahan.

Sa kabila nito nilinaw ni Fariñas na hindi pa pinal ang lahat  at sa loob mismo ng panukala ay kabilang pa rin naman ang plunder sa mga krimen na maaring patawan ng death penalty.

Paliwanag nito, wala pa namang nagagawang ami­yenda sa panukala, at nasa proseso pa rin  sila ng pabuo ng consensus.

Nauna na rin inihayag ni Alvarez na ayaw ng mayorya ng kongresista na isama ang kasong plunder na papatawan ng death penalty dahil may special law kung saan capital punishement na rin ang parusa dito.

Show comments