Drug suspect dedo sa selda

MANILA, Philippines - Isang drug suspect na nakakulong sa selda ng Manila Police District-Station 1 ang nasawi nang ma-dehydrate o naubusan ng tubig sa katawan bu­nga ng naranasang diarrhea kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Dalawang araw na ginamot sa Tondo Medical Center ang suspek na si Rodolfo Zamora,ng Smokey Mountain.

Ang suspek ay naaresto noong Enero 15, 2017 sa kasong paglabag sa Section 11 o drug possesion ng Republic Act 9165  at Pebrero 6 ay nag­simula magkasakit ng pagsusuka at pagtatae kaya dinala sa ospital at binawian kamaka­lawa ng alas-5:00 ng hapon.

Show comments