Jeepney nahulog sa bangin: 1 patay, 18 pa sugatan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isa ang nasawi habang 18 naman ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang pampapasaherong jeep sa Brgy Balele, Tanauan City, Batangas kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival ang biktimang kinilala lamang sa pangalang Junior Alim nang dumating sa CP  Reyes Hospital sanhi ng malubhang sugat na tinamo nito sa aksidente.

Sa ulat ng Batangas Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang mang­yari ang aksidente.

Binabagtas ng jeepney (DHG125), na minamaneho ni Edgar Napao ang kahabaan ng highway ng naturang lugar nang mawalan ito ng preno dahilan upang mawalan ito ng kuntrol at tuluyang mahulog sa bangin.

Nabigo nang mai­salba ang buhay ni Alim sa CP Reyes Hospital habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang mga sugatang pasahero at ang driver ng jeepney.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito at nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries ang naturang tsuper.

BATANGAS BRGY BALELE TANAUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with