Puganteng Abu todas sa shootout

NORTH COTA­BATO, Philippines – Napatay sa joint operation ang puganteng miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos itong manla­ban umano sa mga aw­toridad sa bayan ng Lan­tawan, Basilan.

Batay sa ulat na na­karating kay P/Insp. Alfadda Osalli, hepe ng Lantawan PNP, kinilala ang napatay na si Said Ummar na may alyas Said Usman ng Barangay Bulan-Bulan sa nasabing bayan.

Una umanong nagpaputok ng baril ang suspek kaya binaril na rin siya ng arresting team ng pulisya.

Nabatid na si Ummar ay nanguna sa pa­na­­nam­bang sa mga tauhan ng Lantawan PNP na ikinasugat ni PO1 Anwar Batah noong Oktubre 2.

Una rito, dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ng joint operation ang tropa ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army at mga pulis ng Lantawan sa bahay ng suspek pero nakatakas ito at tanging ang pitong anak lamang niya ang naabutan.

Sa malawakang pag­tugis ng mga pulis at mga sundalo ay nakorner ang suspek kahapon na nauwi sa shootout.

Show comments