Babala ni Bato sa mga pulis ‘Wag tumanggap ng payola!

Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng illegal gambling sa bansa lalo na ang jueteng, nagbabala kahapon si Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga tauhan na huwag tatanggap ng payola mula sa mga illegal gambling operators. PNP-PIO

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng illegal gambling sa bansa lalo na ang jueteng, nagbabala kahapon si Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga tauhan na huwag tatanggap ng payola mula sa mga illegal gambling operators.

“Huwag kayong tatanggap ng payola sa illegal gambling!

Ito ang babala ni dela Rosa sa mga pulis sa kanyang pagbisita sa himpilan ng Cordillera Police sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet kahapon .

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga pulis sa ika-115 anibersaryo ng Police Service ng Police Regional Office (PRO) 2, sinabi ni dela Rosa na bukod sa drug money ay may tukso rin ang gambling money  at dito’y hindi dapat matukso sa kinang ng salapi ang kapulisan.

Ayon kay dela Rosa, naghahalo na umano ang pera sa droga at illegal gambling dahilan halos iisa naman ang mga operator nito.

Binalaan pa ni dela Rosa ang Cordillera Police na huwag tatanggap ng payola o bigyang proteksyon ang mga gambling lords dahil mga pulis rin ang mahihirapan sa paglala ng problema kapag nagkataon. Aniya, kapag natapos ang anti-drug campaign ay illegal gambling naman ang tututukan ng PNP at kung protektor ang mga pulis ay hindi ang mga ito makakahuli dahilan tumatanggap sila ng payola.

Show comments