2 pagyanig, naitala ng Phivolcs

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIvolcs) ng dalawang magkasunod na paglindol kahapon.

Alas-10:14 ng umaga kahapon, naitala ang 2.5 magnitude na lindol na ang sentro nito ay nasa may 43 kilometro hilagang kanluran ng Luna, La Union.

Bago ito, naitala naman ang 2.8 magnitude na lindol na ang sentro ay nasa may 41 kilometro timog kanluran ng Calayan Cagayan.

Pawang tectonic ang origin ng dalawang pagya­nig.

Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks makaraan ang naturang mga pagyanig at wala ring damage na naitala sa mga tao at mga ari-arian.

Show comments