Parehistro na sa 2016 Manila Bay Clean Up Run

MANILA, Philippines – Ang mga interesadong sumali sa 2016 Manila Bay Clean-Up Run ay maaari na ring magparehistro sa Olympic Village (Trinoma, Market Market, Alabang Town Center, Gateaway mall, SM Taytay, at SM Antipolo), bukod sa pangunahing registration center sa lobby ng Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City.

Ang 2016 Manila Bay Clean Up Run ay gaganapin sa ika-11 ng Hulyo. Ang taunang patakbo ay pinagmumulan ng karagdagang pondo ng paglilinis ng Manila Bay. Proyekto ito ng MBC kasama ng Lungsod ng Maynila. Ito’y kanilang ambag sa simulain ng Land Bank at iba pang kumpanyang bahagi ng Sunset Consortium na nilalayong linisin ang mga ilog at dagat sa bansa.

Maaaring sumali sa men’s at women’s divisions at pumili kung tatakbo sa 3K, 5K, 10K, o 21K.

Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa Runners Link, sa 0926.205.2787.

Show comments