2 Gabinete ni Erap, pasok sa Duterte admin

Ayon mismo kay incoming President Rodrigo Duterte, inalok niya sina dating National Treasurer Leonor Briones na maging kalihim ng Department of Education at Benjamin Diokno na maging budget secretary. Leonor Briones, Twitter | UP School of Economics

MANILA, Philippines – Inalok ng cabinet post ni incoming President Rodrigo Duterte ang dalawang Cabinet officials ng Estrada administration.

Ayon mismo kay Duterte, inalok niya sina dating National Treasurer Leonor Briones na maging kalihim ng Department of Education at Benjamin Diokno na maging budget secretary.

Hindi naman binanggit ng incoming president kung tinanggap na ng nasabing mga opisyal ang alok nito.

Aniya, darating ngayong Martes sa Davao ang mga personalidad na inalok niya ng posisyon sa National Defense, Bureau of Customs, Land Transportation Office.

Bunsod nito, unti-unti nang nabubuo ang cabinet members ni Duterte bagaman tumanggi pa ang incoming president na banggitin ang mga pangalan ng iba pang inalok nito sa nasabing mga posisyon.
 

Show comments