Vote buying sa Marikina
MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ng mga opisyales ng Marikina City kay DSWD Dinky Soliman na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa napaulat na ginagamit ng isang politiko ang cash-for-work program para makuha ng boto sa darating na eleksyon.
Ayon sa mga opisyales mismong sa district office ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa Brgy. San Roque umano’y ipinamamahagi ang salapi na bahagi ng programa ng gobyerno. Last termer na mambabatas si Teodoro at tumatakbong alkalde kalaban si incumbent Mayor Del de Guzman, ng Liberal Party.
Sinabi ni Jean Cabang, 47, ng Shoe Ave., Brgy. Concepcion Uno kasing haba ng pila ng mga stranded na pasahero ng LRT at MRT ang pila tuwing gabi sa tapat ng opisina ni Teodoro sa C. Cruz St. sa nasabing barangay. Pinatotoo ni Concepcion Uno Brgy. Chairman Gerry Sto. Domingo ang rebelasyon ni Cabang na nagkakaroon ng mahabang pila at “matinding abutan” sa kanyang nasasakupan .
“Ang ginagawa ni Teodoro ay labag sa election code dahil isa na itong alleged vote buying dahil baket paano na punta sa kanya ang milyong pondo ng DSWD samantalang isa siyang mambabatas,” ayon kay Sto. Domingo.
Dagdag pa ng barangay chairman, habang papalapit ang eleksyon, tumitindi pa lalo ang bigayan ng DSWD assistance mula sa opisina ni Teodoro hindi lang sa district 1 pati na rin sa district dahil 20 percent lang ang kanyang acceptance sa mga kasalukuyang survey. Sa halip na P4,000, P1,800 lamang ang natatanggap ng mga beneficiaries sa lungsod mula cash-for-work program ng DSWD .
- Latest