MANILA, Philippines – Higit pang pinatindi ng Department of Agriculture (DA) ang programa para makaiwas sa matinding epekto ng El Niño ang mga magsasaka sa ating bansa.
Ito ay kahit na sinabi ng PAGASA na humihina na ang El Niño at maaaring bumalik na sa normal na kundisyon ng panahon sa bansa sa mid-2016 o sa mga buwan ng Mayo-Hunyo at Hulyo ng taong ito.
Bagamat hindi pa nararanasan ang normal na kundisyon ng panahon sa bansa, nagpalabas ang DA ng P310 milyon mula noong Enero hanggang ngayong Abril upang maibsan ang epekto ng El Niño sa mga pataniman.