^

Bansa

Ombudsman, pinuri ng Transparency Group

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbunyi ng Transparency In Public Service (TIPS), isang non-government advocacy group, ang desisyon ng Office of the Ombudsman na patalsikin sa puwesto si San Jose del Monte, Bulacan Mayor Reynaldo San Pedro.

Sa desisyon ng Ombudsman na may petsang Abril 11, 2016, napatunayan na guilty sa kasong “grave abuse of authority and grave misconduct” si San Pedro.

Ayon kay TIPS spokesperson Brent de Jesus, sa kabila ng higit pang mabibigat na kasong isinampa laban kay San Pedro, ang kasong administratibo ay isa nang tagumpay para sa mamamayan ng Del Monte, Bulacan.

“Although it was an administrative offense that caused his dismissal, we still consider this a big victory. Indeed, it nearly came at the cost of someone’s life,” pahayag ni de Jesus.

Nag-ugat ang mga kasong isinampa laban kay San Pedro nang sibakin niya sa puwesto ang noo’y San Jose Del Monte City Engineer na si Rufino Gravador, Jr. dahil umano sa pagtanggi nitong sumunod sa kanyang hiling na pirmahan ang kontrata para sa pagpapatayo ng bagong City Hall ng lalawigan.

Sa datos na isinumite ni Gravador, tumanggi siyang makipagkutsabahan dahil nadiskubre niyang overpriced ng P159 milyon ang proyekto. Para maisakatuparan ang naturang projekto kahit wala ang lagda ni Gravador, nagtayo ng bagong opisina si San Pedro na ‘City Building Office’ kung saan ang mga nakaupong opisyal ay pawang mga kaalyado nito, sa pamumuno ni Assistant City Engineer Arnel Vitug.

Nagsampa ng bagong kaso si Gravador hinggil dito, ngunit naging mitsa ito ng kanyang buhay nang tambangan siya ng mga hindi nakikilalang suspect. Nakaligtas sa insidente si Gravador at ipinagpatuloy ang reklamo laban kay San Pedro.

“We have likewise heard that the Comelec is acting quickly to enforce the ruling and nullify San Pedro’s candidacy. This is very welcome news,” aniya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with