Landslide win kay Mayor Gatchalian
MANILA, Philippines – Inaasahan ang landslide win ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa May 9 elections matapos makakuha ang alkalde ng mahigit 80 porsyento ng mga botante sa isinagawang survey ng grupong Probe noong Marso 7-12.
Umabot sa 600 ang respondent ng Probe survey kung saan tig-300 respondents ang kinuha sa District 1 at District 2 na sumailalim sa face-to-face personal interviews. Lahat ng respondents ay may edad 18 pataas at pawang mga rehistradong botante ng Valenzuela City.
Sa tanong na “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, at ang mga sumusunod ang mga kandidato, sino po ang iboboto niyo sa pagka-Mayor?,” 82.3 percent ang boboto kay incumbent Mayor Rex Gatchalian samantalang 12.7 percent lang ang boboto kay 2nd District Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo I.
Nagsilbing kongresista ng 1st District si Gatchalian kaya nananatiling malakas siya dito kung saan nakakuha siya ng 86 percent ng mga botante kumpara kay Gunigundo na nakakuha lamang ng 8.3 percent habang si Gunigundo ay naging kinatawan ng 2nd district pero sa kabila nito ay 17 percent lang ang boboto sa kanya sa pagka-alkalde samantalang 78.7 percent ang muling boboto kay Gatchalian sa pagka-mayor ng Valenzuela City.
Hindi na umano nakakapagtaka kung 82.3 percent ng mga botante ng Valenzuela City ang muling boboto kay Mayor Rex Gatchalian dahil sa dami ng kanyang mga naisakatuparang programa na direktang nakatulong sa mga mamamayan ng lungsod.
Maliban sa ipinagmamalaki ngayon ng mga Valenzuelano na napakagandang “Peoples Park” at 3S Centers (or Sentro ng Sama-samang Serbisyo), kabilang din sa mga proyekto ni Mayor Rex Gatchalian ang 3S Plus Electronic Terminal na kauna-unahang electronic building permit application system sa buong Pilipinas; Bantay Estudyante; Bantay Ilog; Barangay-Based Feeding Program (BBFP) na libreng suplay ng malusog na ready-to-cook na pagkain para sa mga malnourished children na may edad na 6 months hanggang five years old.
- Latest






















