Proclamation rally ng ‘Ang Bagong Maynila-Team KABAKA,’ pinangunahan nina Bagatsing, Atienza

Masayang itinaas nina Manila Mayoralty at Vice Mayoralty candidates, 5th dist. Cong. Amado Bagatsing at Coun. Ali Atienza ang kanilang mga kamay simbolo ng pagiging ‘magkasangga’ at pangunahan ang proclamation rally ng Ang Bagong Maynila-Team KABAKA sa District 1 and 2, Tondo, Maynila, nitong nakalipas na gabi, Linggo ng Pagkabuhay.

MANILA, Philippines - Kapwa tinuldukan nina Manila Mayoralty candidate 5th district Congressman Amado S. Bagatsing at Vice-Mayor aspirant Councilor Ali Atienza, ang kaliwa’t kanang tsismis kaugnay sa umano’y paghihiwalay ng kanilang ngayong nalalapit na May election.

 Sa opisyal na unang araw ng kampanya, kasama buong team ng “Ang Bagong Maynila-Team KABAKA”, pinangunahan nina Bagatsing at Atienza ang pagharap sa mga residente ng District 1 at 2, Tondo, Maynila nitong nakalipas na gabi.

 Sa entablado, malinaw ang naging mensahe ng pagsasama at pagharap nina Bagatsing at Atienza sa mamamayan ng Maynila kasama ng dalawa pa sa anak ng mga dating opisyal ng lungsod, na sina 1st dist., congressional candidate Manny Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, at re-electionist 2nd dist. Representative Carlo Lopez na “buo” at “hindi matitibag” ang koalisyon at pagsanib pwersa ng “Bagatsing, Atienza, Lopez, at Ocampo” para sa adhikain na muling buhayin at ibalik ang dating sigla at saya ng lungsod kaakibat ang paghahangad ng tunay na pagbabago sa Maynila at mga Manilenyo.

 Ilan sa mga platapormang inihain ni Bagatsing ay ang pagkakaroon ng maayos at organisadong gobyerno sa lungsod, ang pagtutok sa problema kaugnay sa kaliwa’t kanang korapsyon, traffic, ang pagsugpo sa lumalalang kriminalidad at talamak na bentahan ng droga sa Maynila, ang pagtaas ng kahirapan at bilang ng mga pamilyang nagugutom sa lungsod. Ang pagpapatuloy at higit pang pagpapalawak nang pagbibigay ng basic services para sa mga Manilenyo na kanya nang ipinapatupad sa pamamagitan ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) tulad ng libreng konsultasyon, gamot, laboratory at diagnostic na nakapailalim sa KABAKA Clinic, habang free education, scholarship at sports program para sa kabataan, at manpower training program, kabuhayan naman para sa walang trabaho gayundin ang pagkakaroon ng boses ng mga business sectors sa lungsod kaugnay sa mga nagaganap at mga pangunahing issue sa Maynila. Umapela naman sina Bagatsing at Atienza kasama kasama ng buong team ng “Ang Bagong

Maynila -Team Kabaka” sa publiko huwag na lamang pakinggan ang mga ipinapakalat na tsismis ng kanilang mga katunggali na ginawa upang lituhin at linalangin ang mamamayan, bagkus ay higit pa umanong maging mapanuri, magmatiyag at ma­ging matalino sa mga ikinikilos at pakitang tao na ginagawa ng kanilang mga kalaban sa eleksyon. Sina Bagatsing at Atienza ay kapwa permanenteng nangunguna sa mga local surveys na isinasagawa sa lungsod.

Show comments