^

Bansa

‘Kay Grace ako’ - Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang natuldukan ang mga haka-haka at ispekulasyon sa kung sino ang susuportahan ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pagka-Pa­ngulo nang pormal na itinaas ng alkalde ang kamay ni Senador Grace Poe sa isinagawang Proclamation Rally sa  Liwasang Bonifacio.

Hindi magkamayaw ang mga taga- suporta ni Estrada,  gayundin ni Poe nang itaas nito ang kamay ng kanyang inaanak. Si Poe ay anak ng matalik na kaibigan ni Estrada na si Fernando Poe Jr.

Ayon kay Estrada naging mahirap sa kanya ang kanyang desisyon dahil malapit din sa kanya si Vice President Jejomar Binay na kanya ring kaibigan.

Umaasa si Estrada na  mananatili ang kanilang pagkakaibigan ni Binay bagamat hindi siya ang sinuportahan nito sa presidential bid.

Sinabi ni Estrada na mala­king hamon kay Poe  ang ma­ging Pangulo subalit handa naman silang suportahan ito.

Sa pahayag naman ni Poe malaking tulong ang suporta ng kanyang ninong sa kanyang kandidatura. 

Sisikapin umano niyang matupad ang kanyang mga pa­ngako upang sabay sabay ang pag angat ng bawat Pilipino.

Si Sen. Bongbong Marcos naman ang inendorso ni Erap para sa pagka-bise presidente.

Mahigit 40,000 mga taga-suporta ni Estrada ang dumalo sa proclamation na pagpapakita ng kanilang buong suporta sa kaniyang pagiging Ama ng kapitolyong lungsod at sa kaniyang mga natatanging programa na anila’y hindi kayang tapatan ng ibang kumakandidato sa pagka-alkalde ng Maynila.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with