K-12 tuloy - SC
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng Kindergarten to Grade 12 (K to 12) Program, sa ilalim ng Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 na karagdagang dalawang taon sa high school.
“The Court denied the prayer for issuance of a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction,” ani SC spokesman Theodore Te.
Isa sa anim na petisyon vs K-12 Program ang inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV, kung saan nakasaad na mas dapat na tinukoy ang problema tulad ng kakulangan sa silid-aralan at sahod ng mga guro bago ipinatupad ang programa.
Iginiit ni Trillanes na nilabag ng RA 10533 ang 1987 Constitution, kaya’t hinihiling nila na maglabas ng writ of preliminary injunction o temporary restraining order laban sa K-12.
Wala anyang sapat na konsultasyon na isinagawa ang Department of Education bago ipinatupad ang K-12 Program.
- Latest

























