Lauro Vizconde pumanaw na

Kinumpirma ng kanyang pamangkin na si Jonah Vizconde de Luna ang pagpanaw ni Vizconde dakong alas-5:15 ng hapon habang nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng naturang pagamutan. BOY SANTOS

MANILA, Philippines – Kapiling na ngayon ni Lauro Vizconde ang buong pamilya makaraang tuluyan nang pumanaw dahil sa atake sa puso sa loob ng Unihealth-Parañaque Hospital, kahapon ng hapon.

Kinumpirma ng kanyang pamangkin na si Jonah Vizconde de Luna ang pagpanaw ni Vizconde dakong alas-5:15 ng hapon habang nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng naturang pagamutan.

Nabatid na ito na ang ikaapat na atake sa puso ni Vizconde na naka-confine sa pagamutan nitong nakaraang Biyernes.

Labis na ikinalungkot naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagpanaw ni Vizconde na nagsilbing Chairman Emeritus sa naturang grupo mula noong 1998.

Kasama si Vizconde, isinusulong ng grupo ang hus­tisya sa mga karumal-dumal na krimen. Si Vizconde ang ama ng mga pinatay na sina Carmela at Jennifer, at asawang si Estrelita sa tinaguriang Vizconde massacre noong Hunyo 30, 1991 kung saan ginahasa pa ng mga salarin si Carmela sa kanilang bahay sa Parañaque City.

Bukod sa sakit sa puso, iniinda rin ni Vizconde ang sakit na diabetes at pulmonya.

Show comments