Kahon-kahon ng bawal na paputok, winasak
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, kahon-kahon ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok ang winasak sa lalawigan ng Batangas kahapon.

Ayon kay Batangas  Police Officer-in-Charge  P/Sr. Supt. Arcadio Ronquillo Jr., isinagawa ang sere­monya sa kanilang punong himpilan sa Camp Miguel Malvar, Batangas City bilang pagtalima sa direktiba ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa “Oplan Iwas Paputok  2015”.

“The destruction of the confiscated illegal firecrackers were soaked into containers of water. This activity formed part of our “OPLAN Iwas Paputok 2015”, pahayag ng opisyal.

Una nang sinelyuhan ng PNP ang dulo ng baril ng mga pulis upang masigurong hindi ito magagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Ronquillo na ang winasak na bulto ng mga paputok ay nakum-piska ng mga operatiba ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Batangas kaugnay ng determinadong kampanya kontra sa mga mapanganib na paputok.

Ayon kay Ronquillo bagaman tradisyunal na sinasalubong ang Ba­gong Taon sa pamama­gitan ng pagpapaputok upang paalisin ang umano’y mga kamalasan sa buhay na siyang paniniwala ng mga matatanda ay dapat ring isipin ng netizens ang peligrosong maaring idulot ng bawal na paputok sa buhay ng sinuman at maging sa mga ari-arian.

Kabilang naman sa winasak na mga paputok upang hindi na ito maga-mit pa ay ang Judas Belt, Dragon 16, Mabuhay, piccolo, trompillo, Sawa, Ring 1000, at iba pa.

Samantalang matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon ay tatanggalan na ng plaster ang dulo ng mga baril ng mga pulis upang alamin kung ginamit ito sa illegal discharge of firearms at maparusahan ang mga mapapatunayang luma­bag sa kautusan.

ACIRC ANG ARCADIO RONQUILLO JR. AYON BAGONG TAON BATANGAS BATANGAS CITY CAMP MIGUEL MALVAR CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ IWAS PAPUTOK MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with