_ngayon
^

OFW utas sa road mishap sa Malaysia

Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang Pinay ang iniulat na nasawi matapos na mahagip ng rumaragasang behikulo sa Malaysia.

Kinilala ang Pinay na si Julie Baylon na namatay ilang minuto lamang makaraang mabangga habang papatawid sa isang kalsada sa Kuala Lumpur.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nahagip si Baylon sa kanang bahagi ng puting kotseng Sedan na minamaneho ng isang Malaysian-Indian national.

Ang nasabing OFW ay nagtamo ng matitinding sugat dahil sa lakas ng pag­kakabangga nito na naging sanhi ng pagkawasak din sa kanang headlight ng nasabing sasakyan.

Nagawa pang humingi ng tulong ng biktima subalit namatay din kinalaunan matapos ang insidente.

Kusang sumuko ang driver na hindi pinanga­lanan na nanatili sa pinangyarihan ng insidente matapos  na dumating ang mga awtoridad.

Nangangalap na uma­no ng pondo ang mga kasamahan ng nasabing OFW upang maiuwi ang mga labi ng biktima sa kanyang pamilya.

ACIRC ANG BAYLON ISANG PINAY JULIE BAYLON KINILALA KUALA LUMPUR KUSANG MALAYSIAN-INDIAN NAGAWA NANGANGALAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with