Poe naghain na ng MR sa Comelec en banc
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Naghain na ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Sen. Grace Poe sa Comelec para hilinging ba­ligtarin ang desisyon ng First Division ng poll body na nagkansela sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.

Ang 91-pahinang apela ay inihain sa clerk of the commission ng abugado ng senadora na si Atty. George Garcia.

Nanindigan ang kampo ng senadora na walang false material misrepresentation sa kanyang COC ng kanyang ideklara na siya ay natural-born citizen.

Katunayan, ang November 17, 2015 decision ng Senate Electoral Tribunal na nagdedeklarang siya ay natural born citizen ay naging “final and executory” na nuong December 3, 2015.

Bagamat iniakyat umano ng petitioner na si Rizalito David sa SC ang pagkwestiyon sa desisyon ng SET, hindi ito nakakaapekto sa pagiging “final and executory” ng desisyon, maliban na lamang kung nagpalabas ang Korte Suprema ng TRO laban dito.

Ayon sa mosyon, posibleng ang bagay na ito ay hindi naikunsidera ng Comelec First Division sa kanilang resolusyon.

Naniniwala ang panig ng senadora na kunektado ang kaso sa Comelec sa desisyon ng SET, dahil hindi naman maaring mangyari na ang senadora ay natural born citizen bilang senador, pero kabaligtaran naman nang siya ay kandidato na sa pagkapangulo.

Kalakip din ng MR ang mga dokumento na nagpapatunay na nakatugon ang senadora sa 10 taong residency requirement para sa mga kumakandidato sa pagkapangulo.

Kabilang na rito ang mga palitan ng mensahe sa email na nagpapatunay na nuon pa lamang Marso 2005 ay nagpasya na ang pamilya Llamanzares na permanenteng manirahan sa Pilipinas, gayundin ang mga transcript of records ng mga anak ng senadora na patunay na nag-enrol ang mga ito sa mga eskwelahan sa Pilipinas bago pa ang Hunyo ng taong 2005.

ANG COMELEC COMELEC FIRST DIVISION FIRST DIVISION GEORGE GARCIA GRACE POE KORTE SUPREMA MGA PILIPINAS RIZALITO DAVID SENATE ELECTORAL TRIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with