Barker tinarakan sa dibdib

MANILA, Philippines – Utas ang isang jeepney barker nang tarakan ng patalim ng hindi nakikilalang salarin, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Patay na nang dating sa Pagamutang Bayan ng Ma­labon ang biktimang si Greg Villalobos, 26, Area 4, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang kumatok sa bahay ng kaanak sa may Maliputo Street, Brgy. Tumana ang biktima at humingi ng saklolo habang duguan dahil sa saksak sa dibdib.

Agad namang isinugod ng mga kaanak ang biktima sa nasabing ospital ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa rami ng dugong nawala.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 4 ngunit bigo na makilala ang mga salarin.

Show comments