Roxas utak sa DQ? ‘Chiz-mis’ lang ‘yan – Rep. Erice

LP presidential bet Mar Roxas

MANILA, Philippines – Sinabi kahapon ni Caloocan Rep.Edgar Erice, tagapagsalita ng Liberal Party na ang akusasyong may kinalaman si LP presidential bet Mar Roxas sa disqualification laban kay presidential candidate Grace Poe ay isa lang “Chiz-mis” at walang katotohanan.

Inihayag ito ng kongresista sa isang press conference upang ilahad ang panig ng LP sa mga naturang akusasyon na tahasang ginawa ng vp running mate ni Poe na si Sen. Chiz Escudero.

Nauna nang pinabulaanan ni Roxas ang akusasyon sa pagsasabing dapat harapin na lang ni Grace ang kasong isinampa sa COMELEC sa halip na paratangan siya.“Nais kong idiin na wala akong kiinalaman diyan,” ani Roxas. Ipinahiwatig ni Poe na ang makikinabang sa kanyang diskuwalipikasyon ay sina Roxas at vice president Jojo Binay na kumakandidato rin sa pagka-pangulo.

Sa kabila ng COMELEC decision, nanindigan ang Senate Electoral Tribunal sa naunang decision na isang natural born Filipino citizen si Poe at tuluyang ibinasura ang petisyon ng talunang senatorial candidate na si Rizalito David.

Show comments