Indonesia VP sa haze sa Pinas: Sorry, we can’t control the wind

Lubos na nakaapekto ang haze sa Visayas at Mindanao, habang ilang parte lamang sa Luzon ang naabutan nito. STAR/Ferdinand Edralin

MANILA, Philippines – Personal na humingi ng paumanhin si Indonesia Vice President Jusuf Kalla ngayong Miyerkules dahil sa umabot na epekto ng haze sa Pilipinas.

"We don't want the haze going anywhere, but we cannot control the wind. So if it goes to other countries, sorry, but we cannot control it," pahayag ni Kalla na nasa bansa ngayon para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit.

Sinabi pa ni Kalla na lalo pa silang pinahihirapan ng El Niño upang maresolba ang haze dulot ng pakakaingin o forest fires.

Bukod sa Pilipinas ay umabot na rin sa mga karatig bansa ng Indonesia sa Southeast Asia ang haze.

Ang Singapore at Malaysia ang lubos na naaapektuhan ng haze.

Umaasa si Kalla na sa lalong madaling panahon ay maaayos din ang sitwasyon.

Show comments