Honrado sa resignation: Hindi ako tumatakbo sa magandang laban

(Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2015 - 12:15am

MANILA, Philippines – Iginiit ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado ngayong Huwebes na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng mga panawagan  kaugnay ng “tanim bala” sa mga paliparan ng bansa.

Sinabi ni Honrado na hindi solusyon sa problema ang pagbibitiw, ngunit kung si Pangulong Benigno Aquino III na ang nagsabi, wala siyang magagawa kung hindi ay sunurin ito.

"I don't run away from a good fight," wika ni Honrado sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

BASAHIN: Ilang pasahero ng NAIA ginagawang agimat ang bala - PNP

"When the appointing authority says that you're not capable anymore of doing your job and he tells you to go, then you should go not a minute longer," dagdag niya.

Nilinaw din ni Honrado na wala siyang kapangyarihan sa 22 ahensya ng gobyerno na nasa mga paliparan ng bansa.

"They operate on their own mandates. Some are mandated by law, some are mandated by executive orders like the (Office of Transportation Security), some are mandated by other legal basis," ani ng MIAA chief.

Sa huli ay tiniyak niya na tututukan nilang mabuti ang umano’y modus operandi sa pagsusuksok ng bala sa mga maleta ng pasahero.

Kahapon ay sinabi ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya  na noong 2013 ay umabot sa higit 2,000 kaso ang kanilang naitala kaugnay ng mga nahuhulihan ng bala sa mga paliparan.

Iniimbestigaha na rin ng National Bureau of Investigation kung totoong may sindikatong nagpapatakbo ng naturang modus sa Ninoy Aquino International Airport.

ANG GENERAL MANAGER JOSE ANGEL HONRADO HONRADO MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NEWS CHANNEL NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT OFFICE OF TRANSPORTATION SECURITY PANGULONG BENIGNO AQUINO QUOT TRANSPORTATION SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with