Pagdinig sa Mamasapano sisimulan ng DOJ

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Department of Justice ang pormal na pagdinig sa Mamasapano encounter sa Nobyembre 11 at 27.

Kabilang sa ipinatatawag ng DOJ ang mga respondent at complainant sa Mamasapano incident na nagbuwis ng buhay ng mga kagawad PNP-Special Action Force, partikular ang first batch na tumutukoy lamang sa 35 mula sa tinaguriang SAF 44.

Ang kopya ng subpoena para sa mga miyembro ng MILF na respondent sa insidente ay idinaan sa MILF peace panel, habang ang subpoena para sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at private armed groups ay idinaan sa alkalde ng Mamasapano.

Matatandaan na sa fact-finding investigation  ng special investigating team ng NBI at National Prosecution Service, inirekomendang sampahan ng reklamong direct assault with murder at theft ang 90 indibidwal na umano’y sangkot sa pagkamatay ng 35 SAF members sa Barangay Tukanalipao noong Enero 25, 2015.

Show comments