Reyes brothers nasa Pinas na
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2015 - 8:01pm

MANILA, Philippines -- Nakabalik na sa bansa ngayong Biyernes sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes na kapwa suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Gerry Ortega.

Dumating sa Pilipinas sina Reyes bandang alas-3 ng madaling araw sakay ng Philippine Airlines Flight 733.

Sinundo ng mga kawani ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang magkapatid na Reyes sa Phuket, Thailand.

Nakaposas ang magkapatid nang iniharap sila ni PNP chief Police Director Ricardo Marquez  sa press conference kanina.

Pansamantalang ikukulong sa PNP custodial center sina Reyes bago iuwi sa Palawan.

Nasakote ang mga suspek sa Phuket dahil sa dahil sa overstaying.

Suspek ang dalawa sa pagiging mastermind sa pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si  Doc Gerry noong 2011.

BIYERNES CORON MAYOR MARIO REYES CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DOC GERRY GERRY ORTEGA PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES PHILIPPINE AIRLINES FLIGHT PHILIPPINE NATIONAL POLICE PHUKET POLICE DIRECTOR RICARDO MARQUEZ REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with