Delivery boy inutas sa saksak

MANILA, Philippines – Pinatay sa saksak ang isang delivery boy nang magkrus ang landas nila ng kanyang da­ting kaaway sa Navotas City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Milky Estrella, 25, delivery boy, residente ng Block 25, Phase 1, Barangay  North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang lungsod, nagtamo ito ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Jayson Landicha, 24, kalugar ng biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Ronnie Garan, ng Navotas City Police, naganap ang insidente alas-5:30 ng umaga  sa naturang lugar.

Nang magkrus ang landas ng dalawa na matagal nang may alitan at pagkakita ng suspek sa biktima ay agad nitong binunot ang dalang patalim at hindi na nag-aksaya pa ng panahon ay paulit-ulit na sinaksak si Estrella na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pana­naksak ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon.

Show comments