Lumang PCOS baka gagamitin sa 2016 poll

STAR/File photo

MANILA, Philippines – Posibleng gamitin ang mga lumang PCOS machines sa  2016 national elections.

Ito naman ang  ibinunyag ni Commission on Elections Chairman Andy Bautista bagaman sasailalim sa bidding ng  ahensya ang refurbishment at pag-upgrade sa 82,000 PCOS machines na gagamitin sa 2019 mid-term elections, pinag-aaralan umano na magamit ang ilan sa mga ito sa May 2016 elections.

Ayon kay Bautista, lumagda na ang poll body ng kasunduan sa Smartmatic para magamit ang bago at upgraded version ng PCOS machine at may posibilidad na gamitin din ang lumang makina para maabot ang voter-to-machine ratio na  600 voters per cluster kada makina.

Sinabi pa ni Bautista na ilang IT firms ang nagpahayag ng intensyong tumulong at magamit ang lumang PCOS machines na tinatayang nasa 82,000 at nakatago sa warehouse sa Laguna.

Show comments