Signal no. 1 sa 4 na lugar kay ‘Ineng’

MANILA, Philippines – Itinaas ang public storm warning signal no.1 ngayong Miyerkules sa apat na lugar sa hilagang Luzon dahil sa paglakas ng bagyong “Ineng.”

Apektado ng pangsiyam na bagyo ngayong taon ang mga sumusunod na lugar:

  •     Babuyan
  •     Batanes
  •     Calayan
  •     Cagayan

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 925 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang alas-6 ng umaga.

Taglay ni Ineng lakas na 180 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 215 kph, habang gumalaw pa-kanluran sa bilis na 25 kph.

Inaasahan ding palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magpapaulan sa Visayas at Palawan.

Tinatayang makalalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Sabado o Linggo at tutumbukin naman nito ang Taiwan.

 

Show comments