PNP- BOI pinarangalan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ginawaran kahapon ng katangi-tanging parangal ng Philippine National Police ang mga opisyal na bumubuo sa PNP-Board Inquiry (PNP-BOI) na naglahad ng katotohanan sa engkuwentro noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.

Sa PNP-BOI report ay tinukoy dito na binalewala ni Pa­ngulong Benigno Aquino  ang Chain of Command ng PNP nang bigyan nito ng go signal  ang noo’y suspendidong si PNP Chief Director General Alan Purisima para pamunuan ang Oplan Exodus kung saan ang nasibak na si SAF commander Getulio Napeñas ang nagsilbing ground commander sa operasyon.

Nanguna sa mga tumanggap ng parangal ay sina Director Benjamin Magalong bilang Chairman ng PNP-BOI, Director Catalino Rodriguez, Vice Chairman ng BOI, Chief Supt. John Sosito bilang miyembro at maging ang audit team nito.

BENIGNO AQUINO BOARD INQUIRY CHAIN OF COMMAND CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA CHIEF SUPT DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG DIRECTOR CATALINO RODRIGUEZ GETULIO NAPE JOHN SOSITO OPLAN EXODUS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with