Ika-40 araw ng SAF ginunita

MANILA, Philippines - Isang misa ang idinaos kahapon para gunitain ang ika-40 days ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao.

Magkakasamang dumalo sa misa ang grupo ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na isinagawa sa Shrine of Saint Therese sa Pasay City.

Sa misa ay muling ipi­nagdasal ang paghilom ng sakit sa iniwang trahedya sa mga kaanak at sa bansa ng pagkasawi ng SAF 44.

Hiling din ng pulisya at militar na agarang ma­kamit ang hustiya ng mga biktima.

Nabatid na inimbitahan sa misa ang mga kaanak ng mga nasawing SAF, subalit hanggang sa nagsimula ito ay walang dumating.

Show comments