PNP sa MILF: Usman isuko

MANILA, Philippines - Isuko si Abdul Basit Usman at iba pang killers­ ng 44 Special Action Force (SAF) commandos ng Philippine National Police!

Ito ang hamon kahapon ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina sa liderato ng MILF dahil hindi umano sapat na isoli ng mga ito ang 16 lamang sa mga baril ng mga napaslang na SAF commandos sa bakbakan nong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Espina na simula pa lamang ang ginawang pagsosoli ng mga armas ng MILF at mahaharap pa rin sa kasong kriminal ang mga kasapi nito na sangkot sa brutal na pagpatay sa 44 SAF commandos na ninakawan ng mga baril at personal na kagamitan kabilang ang mga uniporme.

Show comments