_ngayon
^

Bansa

Motorista binalaan sa parking boy na kawatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Quezon City Police ang mga motorista laban sa mga parking boy na nagkukunwaring mag-aassist sa kanila para pumarada, subalit ang pakay ay tangayin ang mga gamit na naiwan sa kanilang sasakyan.

Ito ay makaraang dumulog sa himpilan ng Police Station 10 ang isang Mark Jefferson Ju, 30, ng Caloocan City upang magreklamo.

Ayon sa biktima, natangay sa kanya ang isang Huawei cellphone P11,000 at cash na P5,000 na nakalagay sa loob ng kanyang sasakyan.

Tinukoy naman ang suspect sa pangalang Edison Espansol, alyas Mata, isang parking boy na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue, malapit sa kanto ng Dr. Lascano, Brgy. Sacred heart sa lungsod, ganap na alas-12:05 ng madaling araw.

Bago ito, ipinarada umano ng biktima ang kanyang To­yota Corolla (TAF-134) sa naturang lugar kung saan umasiste pa sa kanya ang suspect.

Nang makaparada, agad na bumaba ang biktima sa kanyang sasakyan, pero bago tuluyang umalis ay siniguro pa niyang naka-lock ang pinto nito, at saka nagtungo sa isang bar.

Makalipas ang ilang oras, pagkabalik ng biktima sa sasakyan ay natuklasan na lang nitong nawawala sa loob nito ang kanyang mga gamit at pinaniniwalaang tinangay ng nasabing parking boy.

AYON BRGY CALOOCAN CITY DR. LASCANO EDISON ESPANSOL MARK JEFFERSON JU POLICE STATION QUEZON CITY POLICE TOMAS MORATO AVENUE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with