Pope Francis handang mabasa sa ulan

MANILA, Philippines - Sa pagdating ng Santo Papa sa bansa ay halos kasabay niyang dumating ang bagyong "Amang" sa Philippine Area of Responsibility.

Nauna lamang ng bahagya ang bagyo na huling namataan ng Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa 950 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Sinabi ng tagapagsalita ng Vatican na walang problema sa Santo Papa ang mabasa ng ulan, ngunit kung bagyuhin ay iba na ang usapan.

Kaugnay na balita: 'Amang' nasa Pinas na

"We hope there is not a hurricane, that it is only rain," pahayag ni Rev. Federico Lombardi.

Dagdag niya na maaari lamang magbago ang ruta ng Santo Papa kung tumama sa kalupaan ang bagyo.

"If there is only rain, the pope has no fear of the rain — we see him in St. Peter's Square, he is ready to be in the rain! We hope it is not a particularly hard situation, but we will see."
 

Show comments