Caretaker, natagpuang patay

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang inatake sa puso dahil sa sobrang ginaw ang isang 58-anyos na caretaker na nadiskubreng hindi na guma­galaw mula sa kaniyang pagkakahiga sa lapag ng hallway ng binabantayang gusali, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng tanghali.

Ang biktimang si Artemio Cisnero Jr., stay -in sa 674 Reten St., Sampaloc, ay nadiskubre lamang ng isang tenant na si  Mark Nacional,  fastfood crew.

Sa ulat ni PO3 Richard Limuco ng Manila Police District-Homicide Section, bumaba mula sa ikatlong palapag dakong alas 11:00 ng tanghali si Nacional ay napansin na hindi na guma­galaw ang natutulog na biktima sa ground floor ng danaan kaya ipinabatid sa iba pang tenant at awtoridad.

Show comments