College stude grinipuhan ng 2 holdaper

NUEVA ECIJA, Philippines  – Sugatan ang 17-anyos na 1st year college student matapos itong saksakin ng dalawang holdaper ay tinangay pa ang hiniraman na traysikel sa Barangay Marawa, bayan ng Jaen, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktima na si RJ Javier ng Barangay San Isidro, bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ng traysikel ang biktimang patungo sa bayan ng Jaen nang parahin siya ng isang lalaki at babae pagsapit sa Barangay Carmen sa bayan ng Zaragoza.

Nakiusap ang dalawa na makikisabay patungo sa Barangay Marawa kaya pinaunlakan ng biktima ang pakiusap.

Subalit nagdeklara ng holdap ang dalawa pagsapit sa nasabing barangay kung saan inun­dayan ng saksak ang biktima.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima na iniwan ang hiniram na traysikel kung saan tinangay naman ng dalawang holdaper.

 

Show comments