SSS pensioners may 13th month

MANILA, Philippines - Tatanggap ng kanilang 13 month pension ang may 1.9 milyong pensioners ng Social Security System (SSS) ngayong Disyembre.

Ayon sa SSS, ang 13th month pension ay katumbas ng isang buwan nilang pension pero hindi kasama dito ang carer’s allowance para sa mga disability pensioner.

Tatanggap din ng 13th month ang mga bata na tumatanggap ng depen­dent’s pension.

Pagpasok ng Disyembre ay makukuha na ng mga pensioner sa ATM ang kanilang 13th month pension kasabay ng matatanggap na regular nilang pension sa Disyembre batay sa schedule ng araw ng kanilang retirement, disability o death.

Ang average monthly pension ngayon ng mga pensioners ay umaabot sa P3,157.

Show comments