Napoles naiyak sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Hindi napigilan ni Janet Napoles ang mapaiyak at maglabas ng sama ng loob sa media sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Sandiganbayan kaugnay sa hinihirit niyang makapagpiyansa at makalaya pansamantala.

Napatayo si Napoles at gusto sanang komprontahin si Marina Sula, ang testigo ng prosekusyon na nakasalang sa witness stand sa ginagawang cross examination ng mga abogado nito. Ayon kay Sula, kaya malakas ang loob ni Napoles ay dahil ‘back-up’ siya diumano ni dating Sandiganbayan Justice Gregory Ong kaya kahit may mali sa ginagawa nito ay balewala lamang sa kanila.  Gusto ni Atty. Stephen David, abogado ni Napoles na magsalita ito sa korte pero hindi pumayag ang mga Justices sa ginawang pagdinig.

Sinabi ni Napoles, napaiyak ito dahil sa awa kay Justice Ong dahil ang iniingatan nitong pangalan ay nakaladkad sa ginagawang pagdinig. Wala anyang tinanggap kahit piso si Ong mula sa kanya at hindi niya ginamit ang pangalan nito.

Show comments