Sa laban kay Algieri Pacquiao ’wag kampante – SB

MANILA, Philippines - Isang araw bago ang laban ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri ay pinaalalahanan ito ng kanyang mga kaibigan at kaalyado sa Kamara.

Payo ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. huwag maging kampante si Pacquiao sa kanyang laban kay Algieri at sa halip ay dapat nitong ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.

Kaya sa bandang huli umano ay tiyak naman ang panibagong tagumpay ng peoples champ.

Payo naman ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, dapat na matulog ng maaga si Pacquiao dahil sa ngayon ay madalas umanong nagpupuyat ang pambansang kamao sa pagdadasal.

Para naman sa itinuturing na ama-amahan ni Pacquiao na si Buhay partylist Lito Atienza  tiwala lang sa sarili at sa Diyos ang dapat gawin ni Pacquiao upang mapanatili nito ang hawak na titulo.

Show comments