^

Bansa

DOH kinalampag sa paghahanda sa Ebola

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalampag ng mga health workers  ang tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila kahapon ng umaga upang bigyan ng pansin ng kagawaran ang  paghahanda  sakaling  makapasok sa bansa ang   nakamamatay na Ebola virus.

Ayon sa Alliance of Health Workers, kulang ang pasilidad partikular sa Lung Center of the Philippines na planong pagdalhan ng mga posibleng kaso ng Ebola. Wala anila itong special ward at wala ring training ang mga manggagawa para sa tamang paggamot sa sakit.

Wala rin anilang personal protective equipment (PPE) ang health workers at walang inilatag na plano sakaling sila mismo ang mahawa ng virus.

Sinabi ng grupo na hindi umano biro ang  sakit na Ebola kung kaya’t dapat lamang umanong bigyan ng pansin ng mga opisyal ng pamahalaan.

Anila, buhay at kinabukasan ng kanilang mga pamilya ang nakasalalay sa kanilang ginagampanang  trabaho.

Giit ng samahan, sinasalamin nito ang kawalang prayoridad ng gobyerno sa kapakanan ng kalusugan ng mga mamamayan.

vuukle comment

ALLIANCE OF HEALTH WORKERS

ANILA

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

GIIT

KINALAMPAG

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with