Binay natakot – Trillanes

MANILA, Philippines – Natakot umano si Vice President Jejomar Binay kaya umatras ito kahapon sa nakatakda sana nilang debate ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Nobyembre 27.

Ayon kay Trillanes, walang isang salita si Binay lalo pa’t ito ang unang naghamon ng debate sa kanya.

Mahalaga aniya para sa isang halal na opisyal na tuparin at panindigan ang kaniyang mga binibitiwang salita.

Sabi ni Trillanes na posibleng natakot rin sa kanya si Binay dahil nag-eensayo na siyang mag-debate kahit pa hindi siya abogado katulad ng bise presidente na sanay sa pakikipag-debate.

Idinagdag ni Trillanes na itutuloy pa rin ang pagdinig sa sinasabing overpriced Makati City Hall Building II at marami pa siyang ibubunyag laban sa bise presidente.

Show comments