Binay sa Senado: Hindi sila handang makinig sa 'kin
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2014 - 2:21pm

MANILA, Philippines – Ayaw ni Bise Presidente Jejomar Binay na mabastos sa Senado kaya napagdesisyunan niyang hindi dumalo upang depensahan ang sarili ngayong Huwebes.

Sinabi ni Binay sa isang liham na ipinadala niya kay Senate Blue Ribbon Committee chairperson Sen. Teofisto Guingona III na nais niya talagang dumalo ngunit nagbago ang kanyang isip matapos palabasin ang kanyang mga ipinadalang kinatawan nitong nakaraang linggo.

"Kung ang aking mga awtorisadong kinatawan ay trinatong parang mga kriminal, wala akong makitang katiyakan na ako ay bibigyan ng pagkakataon na magpahayag nang malaya, kikilanin ang aking karapatan o tatratuhin ng may paggalang," nakasaad sa liham ni Binay.

Tinutukoy ni Binay ang pagpapalabas nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes IV sa kanyang mga kaalyado na sina Navotas City Rep. Toby Tiangco at abogadong si JV Bautista.

"Ang inasal nina Sen. Cayetano at Trillanes noong Oktubre 30 at sa mga nakaraang pagdinig ay patunay na hindi sila handang makinig sa anumang paliwanag na sumasalungat sa kanilang konlusyon na ako ay nagkasala na."

Pinuna rin ng Bise Presidente ang hindi wastong pagtrato ng mga senador sa mga testigo.

"Sila ay inimbitahan upang makatulong gumawa ng magagandang batas ayon sa nilalaman ng resolusyon. Ngunit sila ay trinatong parang mga kriminal," ani Binay.

"Ito ay ipinapakita nila sa kanilang patuloy na panghahamak, pangmamaliit, pambabara at pananakot sa mga ordinaryong mamamayan na ang mga testimonya ay knotra sa kanilang konklusyon," dagdag niya.

Samantala, dismayado si Guingona sa hindi pagsipot ni Binay na aniya'y sinayang ang pagkakataon upang makapagpaliwanag at masagot ang mga paratang sa kanya.

"Nakakalungkot dahil hindi din binigyan ni bise presidente ng pagkakataon ang publiko na marinig ang panig niya upang makabuo sila ng sarili nilang pananaw at konklusyon sa mga isyung ito."

ANTONIO TRILLANES BINAY BISE PRESIDENTE BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY GUINGONA NAVOTAS CITY REP SENADOR ALAN CAYETANO SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with