Kumuyog kay Abad ‘di raw dapat tawaging iskolar ng bayan

MANILA, Philippines – Hindi umano dapat tawagin na iskolar ng ba­yan ang mga estudyante ng Universiry of the Philip­pines (UP) na kumuyog kay Budget Secretary Butch Abad.

Dahil dito kaya ikinahiya rin ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na alumnus ng UP econo­mics ang ginawa ng nasabing mga estudyante kay Abad noong nakaraang linggo at tinawag ang mga ito na “hooligans”.

Giit ni Batocabe, nagsasayang lang ng pondo ang gobyerno sa pagbibigay ng subsidiya sa edukasyon sa mga nasabing estudyante.

Nakakalungkot din umano na sa loob ng UP na itinuturing na bastion of academic freedom ay mayroong iilan na misguided, highly bigoted at intolerant na mga estud­yante na hindi marunong tumanggap at rumespeto sa pananaw ng iba.

Wala rin umanong sapat na dahilan para pairalin ng mga kumuyog kay Abad ang mobocracy dahil ang ganitong asal ay walang puwang sa sibilisadong lipunan.

Show comments