Energy crisis, port congestion, MRT 3 binira ni Osmeña

MANILA, Philippines – Ang gobyernong Aquino ang dapat umanong sisihin sa inaasahang energy crisis, port congestion at ang aberya sa MRT 3.

“They are so slow, they are waiting for Christmas every year. That is the kindness thing I can say about the present situation in the country in regards to energy, port congestion, and MRT woes,” pahayag ni Sen. Serge Osmeña.

Sinabi ni Osmeña, ang congestion sa Port of Manila gayundin ang inaasahang energy crisis ay itinuturing niyang kriminal na gawa ng gobyernong.

“Naapektuhan ang lahat ng manufacturing facilities natin dito, naapektuhan ang pricing ng goods. Ang daming nagagalit, iyong nagpapadala ng intermediate material para maproseso dyan sa ating key electronic factories, hindi maka-landing dito. Na-stuck up sa Singapore, sa Hong Kong, sa Taipei,” sabi ng senador.

Dapat daw alam ni DOTC Sec. Jun Abaya ang problema sa MRT lalo sa maintenance nito.

“Alam naman natin na magkakaroon ng problema maski gaano kalaki at kagaling trak mo kahit Mercedes Benz pa yan kung hindi mo inaayos, hindi mo namemaintain nang husto. Magkakaroon ng breakdown iyon,” dagdag pa nito. 

Show comments