4-day work week sa Bacoor ipinatupad

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng 4-day work week si Mayor Strike Revilla sa Bacoor City government simula kahapon hanggang sa Disyembre 2014.

Nilagdaan ni Mayor Revilla ang executive order no. 14 kung saan ay nagtatakda ng 4-day work week sa city hall.

Sinabi ni Mayor Strike, sa pagpapatupad nito bukod sa maaaring magbayad o magtungo ang may kailangan sa city hall ng hindi na kailangang umabsent sa kanilang trabaho dahil ang trabaho sa pasok sa ilalim ng 4-day work week ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi Lunes hanggang Huwebes.

Hindi naman kasali sa 4-day work week ang Sangguniang Panglungsod, PNP, BJMP, BFP, gayundin ang DSWD CENRO, BTMD, public order, health and maintenance.

Show comments