Beechcraft bumalagbag sa NAIA runway

MANILA, Philippines - Isang beechcraft ang naka-balagbag sa runway 13/31 ng Ninoy Aquino International Airport matapos magka-problema ang landing gear nito makaraang manggaling sa Palawan, kahapon.

Sinabi ni Connie Bungad, tagapag-salita ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa insidente isinara sa lahat ng uri ng aircraft ang nasabing runway pero ligtas naman sina Sherwin Rala, piloto at Ronela Acuna, co-pilot ng beechcraft na may RPC - 984 pag-aari ng CM Aeroservices.

Ayon kay Bungad, ang eroplano ay galing Palawan at may lulang mga isda ng magkaroon ng aberya sa runway 13/31.

Show comments