^

Utos ni P-Noy sa gov’t agencies, Isyu sa Port of Manila lutasin

Rudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kinauukulang ahensiya na bigyan ng mabilis na solusyon ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila gayundin ang pagsisikip sa Port of Manila ng mga nakaimbak na containers.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kabilang sa mga kautusan ni Pangulong Aquino ay hulihin at pagmultahin ang mga kolorum at out of line na mga bus na bumibiyahe sa EDSA kasabay ang pag-aaral sa mga ruta ng mga provincial buses at city buses na bumibiyahe sa Metro Manila.

Inutos din anya ng Pa­ngulo ang koordinasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

“Hinggil naman sa problema sa congestion sa Port of Manila, iniulat nina DTI (Department of Trade and Industry) Secretary Gregory Domingo, DOTC (Department of Transportation and Communications) Secretary Joseph Abaya, at PPA (Philippine Ports Authority) General Manager Juan ‘Boy’ Sta. Ana na isinasagawa na ang mga hakbang na pinagkasunduan ng mga port users at inaasahang babalik sa normal ang sitwasyon mula sa Agosto 16,” wika pa ni Coloma.

Nananawagan ang pamahalaan sa lahat ng port users na magsagawa ng regular na operasyon kahit na araw ng Linggo upang higit na mapabilis ang paglalabas ng mga kargamento mula sa pantalan ng Maynila. Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maibsan ang suliranin ng congestion sa Port of Manila at sa mga lansangan.

Samantala, upang masolusyon ang patong-patong na problema na dulot ng tambak na container vans sa Port of Manila, plano ng gobyerno na maglagay ng container depot kung saan malapit ang mga exporters.

Bukod dito ayon kay House Committee on transportation at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, naghahanap na rin ang pamahalaan ng lugar kung saan maaaring magtayo ng off duck para paglagakan ng mga walang laman na container vans.

Kabilang umano sa ikinokonsidera ay ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Cavite at sa Malvar, Batangas upang hindi  na magsikip ang Port of Manila.

 

CATANDUANES REP CESAR SARMIENTO DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS GENERAL MANAGER JUAN HERMINIO COLOMA JR. MANILA METRO MANILA PORT OF MANILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with