Chief Justice sisiyasatin

MANILA, Philippines - Pahaharapin na rin sa Kamara si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kaugnay sa gagawing imbestigasyon sa Judiciary Development Fund (JDF).

Sinabi ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., chairman ng House Committee on Justice, na hindi naman nila iko-compel si Sereno kundi padadalhan lamang ito ng imbitasyon.

Subalit kung hindi umano sila pagbigyan ng punong mahistrado ay maaari naman itong magpadala ng kanyang kinatawan.

Ito ay dahil sa mga pagdinig, imbestigasyon o budget hearing sa Kamara, hindi humaharap ang Chief Justice ng Korte Suprema at sa halip ay ang administrator lamang dito ang nagpapaliwanag.

Itinakda naman ng committee on justice ang imbestigasyon sa JDF sa pagbabalik ng sesyon matapos ang State of the Nation (SONA) ng Pa­ngu­long Aquino sa Lunes.

Itinakda ang pagdinig ng mga kongresista upang malaman ng mga ito kung papaano nagastos at saan napupunta ang pondo ng JDF salig sa dalawang panukala na nagpapa­amyenda o nagpapawalang saysay ng Presidential Decree 1949 na lumikha ng JDF.

Show comments