Walang kudeta vs PNoy – AFP

MANILA, Philippines - Malabong magresulta sa kudeta o pag-aaklas ng mga sundalo laban sa administrasyon ni Pa­ngulong Aquino ang isyu ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ang tiniyak kahapon ng bagong upong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Pio Gregorio Ca­tapang Jr., na naglibot kahapon sa himpilan ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.  

Ayon kay Catapang, walang puwang ang military adventurism sa AFP sa ilalim ng kaniyang pamumuno laban sa gobyernong Aquino.

Sinabi ni Catapang na sa kasalukuyan, ang dapat na harapin ay ang mas malalaking problema tulad ng mga isyung pandaigdigan.

Ipinalabas din ni Cata­pang ang kaniyang kauna-unahang marching order sa mga sundalo na dapat asintado, disiplinado at bawal ang abusado.

Binigyang diin ni Ca­tapang na walang sinuman sa mga sundalo ang dapat maligaw ng landas.

 

Show comments